COVID-19, posibleng tumaas din dahil sa tag-ulan

Nangangamba ang infectious disease expert na si Dr. Rontgene Solante na posible ding tumaas ang kaso ng COVID-19 dahil sa pagpasok ng tag-ulan.

Ipinaliwanag ni Solante na ito ay dahil karamihang tao ay mananatili sa loob ng bahay o kaya naman ay sa mga kulob na lugar kapag rainy season.

Sa kabila nito, sinabi ni Solante na hindi naman nila inaasahan na dadami ang mga maoospital dahil sa COVID-19.

Ito aniya dahil sakali mang dumami ang mahawa ng COVID-19 karamihan naman ay mild kaya taliwas ang inaasahan nila sa nangyari noong Agosto at Setyembre noong nakaraang taon na marami ang naospital.

Aminado din si Solante na isa pa dahilan kaya mababa ang naitatalang kaso ay dahil sa wala nang masyadong nagpapa-test na dahilan kaya posibleng mayroon talagang discrepancy sa totoong bilang.

Binigyang diin ni Solante na malaking tulong ang ang bakuna laban sa COVID-19 habang kadalasan ng mga tinamaan ng mas nakakahawang Omicron variant ay mild na lamang ang sintomas. (LEO NAVARRO-MALICDEM)
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *