COVID-19 positivity rate ng NCR,  bumaba sa 13.1% sa loob ng 7 araw ayon sa OCTA

Bumaba ng 13.1 % ang seven-day COVID-19 positivity rate sa National Capital Region hanggang nitong December 20 ayon sa  OCTA Research Group.

Sa isang tweet kahapon ni OCTA fellow Guido David , bumaba ang 7-day positivity rate sa NCR mula 14.5% noong Dec. 13 hanggang 13.1% noong Dec. 20. Ang reproduction number sa NCR ay bumaba sa 0.91.

Nabanggit din ni David na ang 7-day average ng mga bagong kaso ay bumaba mula 447 hanggang sa 404 at may growth rate  ng -10%.

Nauna nang iniulat ng OCTA na ang positivity rate sa NCR ay bumaba mula 14.4% noong December 10 hanggang 13.9% noong December 17.

Dati nang na-project ng independent research group ang pagbaba sa bilang ng COVID-19 cases sa kabila ng pagluluwag sa mga restrictions ngayong holidays.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *