COVID-19 positivity rate sa bansa, bahagyang bumaba

Bahagyang bumaba ang COVID-19 positivity rate sa bansa sa 3.3% noong weekend.

Ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David, mula sa 3.4% noong March 17, naging 3.3% na lamang ang positivity rate sa Pilipinas o yung porsyento ng mga taong nagpopositibo sa COVID-19 mula sa kabuoang bilang ng mga indibidwal na nagpa-test.

Noong Sabado, nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 169 na mga bagong kaso ng naturang sakit, dahilan upang umabot sa bilang na 9,270 ang mga aktibong kaso sa bansa.

Samantala, nananatili pa rin ang Metro Manila, na may 548 na kaso, bilang rehiyon na may pinakamaraming COVID-19 active cases sa nakalipas na dalawang linggo.

Sinusundan ito ng Davao Region na may 283 mga kaso, Calabarzon na may 227, Soccsksargen na may 182, at Northern Mindanao na may 158.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *