COVID-19 reproduction rate sa NCR, bumaba sa 0.67 – OCTA

Bumaba ang reproduction rate ng COVID-19 sa Metro Manila sa 0.67 mula sa 0.69 na araw bago magtapos ang stricter lockdown.

Ayon sa OCTA Research, posibleng magtala ang National Capital Region ng average na less than 1,900 na mga bagong kaso pagdating ng May 14, isang araw, bago matapos ang modified enhanced community quarantine status.

Kaugnay nito, nakasaad rin sa report na ang kasalukuyang average number ng virus infections sa National Capital Region ay nasa 2,172 mula May 2 hanggang May 8.

Ang kasalukuyang daily average ay 61% na mas mababa kumpara sa peak ng surge mula March 29 hanggang April 4.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *