COVID-19 restrictions sa Netherlands, luluwagan na; Pero Vaccine passes, ire-require

Inanunsyo ng The Netherlands na patuloy nitong paluluwagin ang mga COVID-19 restrictions kabilang na ang pagpapahinto sa social distancing.

Gayunman, plano ng naturang bansa na magpagamit ng vaccination passess para sa mga bars, restaurants at festivals.

Sinabi ni Prime Minister Mark Rutte na simula sa September 25 ay kailangan na ng mga tao na edad 13-anyos pataas ang mga passes na magpapatunay na sila ay bakunado, isang recovery, o nag-negatibo sa COVID-19 test.

Dagdag ni Rutte, aalisin na rin ang compulsory 1.5 meter social distancing rule habang papayagan na rin ang mas maraming bisita sa mga cafe at restaurant.

Iginiit rin ni Rutte na makababalik na sa full capacity ang mga festivals at outdoor sporting events sa nasabing araw.

Mababatid na patuloy na bumababa ang infection rates sa Netherlands, na kilala dahil sa maluluwag nitong restriksyon sa simula ng pandemya, ngunit hinigpitan rin kalaunan nang maranasan nito ang second wave.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *