COVID-19 restrictions sa Singapor, paluluwagin

Sisimulan na ng Singapore sa susunod na linggo ang unti-unting pagluluwag ng COVID-19 restrictions matapos maobserbahan ng naturang bansa ang pagbaba ng bilang ng infections nito.

Sinabi ng health ministry na papayagan na ang mga malakihang pagtitipon simula sa Lunez, habang ang mga restaurants naman ay papayagan nang mag-resume ng dine-in services simula sa June 21 kung mananatiling kontrolado ang infections.

Matatandaan noong nakaraang buwan ay ipinatupad muli ng Singapore ang mga restriksyon sa pagtitipon at iba pang public activities dahil sa pagtaas ng locally acquired infections at sa pagkakabuo ng mga bagong clusters.

Inihayag din ng city-state na simula sa Biyernes ay makakasama na sa vaccination drive ang mga mamamayan na ang edad ang 39-anyos pababa, at iba pa na dati nang naka-recover mula sa COVID-19.

Ipinunto naman ng ministry na kasapay ng pagluluwag ng measures ay ipatutupad ang regular mandatory COVID-19 testing para sa staff na nagtatrabaho sa mga lugar na may umasked clients gaya ng gyms at restaurants sa mga susunod na buwan.

Noong Lunes ay tinatayang nasa 2.5-million o 44% ng Singapore population na ang nakatanggap ng first dose ng bakuna kabilang na ang 1.9-million na naturukan na ng dalawang doses.

Umaasa ang Singapore na matatapos ang vaccination ng 50% ng populasyon nito sa Agosto.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *