COVID-19 restrictions, unti-unti nang tatanggalin sa Amerika – White House

INANUNSYO ng White House ng paunti-unti nang tatanggalin ang mga COVID-19 restrictions na ipinatutupad ng Unites States.

Ayon sa White House, hindi na kailangan pang magpakita ng vaccination card ng mga international travellers simula ngayong darating na May 11.

Ang naturang polisiya ay kapareho ding ipatutupad sa mga biyaherong dadako sa Amerika mapa in-land o sea travels.

Noong buwan ng Oktubre ng nagdaang taon, una nang tinanggal ng Canada ang kanilang mga restiksyon kontra COVID-19.### JDR

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *