COVID-19 sa Uganda ‘deadlier’ ayon kay President Museveni

Kinumpirma ni Uganda President Yoweri Museveni na “deadlier” ang COVID-19 ngayon sa kanilang bansa kumpara noong huling bahagi ng 2020.

Kasabay ng pag-aanunsyo ng mas mahigpit na restrictions, sinabi ni Museveni na mas tumaas ang mga severe at critical cases nila ng COVID-19.

Pinaniniwalaan naman na ang mga bagong variant ng COVID-19 ang dahilan ng pagtaas ng mga kaso na labis na ikinagulat ng mga private at government hospitals.

Kinumpirma naman ng Medical Director ng TMR International Hospital sa Kampala Uganda na nangyari lamang ang pagtaas ng kaso sa loob lamang ng isang linggo

Aniya, makikita sa tala na nasa 2 hanggang 10 ang itinataas ng mga pasyente sa ICU ang daily reported nila.

Inihayag din ng TMR International Hospital na mas marami sa mga bagong kaso nila ang kabilang sa “younger population”.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *