COVID-19 surge sa bansa hindi na normal ayon sa OCTA research

Inihayag ngayon ng OCTA research group na hindi na normal at lumalalana ang sitwasyon ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Prof. Ranjit Singh Rye, ng University of the Philippines–Dept. of Political Science assistant professor at OCTA Research fellow na batay sa kanilang pagmonitor maituturing na umanong surge ang pagtaas ng kaso ng COVID-19.

Naniniwala si Rye na dahil sa mabilis na pagtaas ng mga kaso at presensiya ng Delta variant ay darating ang panahon na posibleng magsara na naman ang borders ng Metro Manila.

Ang tanong lang umano ngayon ayon kay Rye ay kung kailan, ngayong bang hindi masyadong manageable pa ang sitwasyon o kapag malala na at marami nang nahawaan.

Iminungkahi ng OCTA na habang maaga pa ay magsagawa ng dalawang linggong lockdown dahil kung hindi ay posibleng mas mahaba ang magiging lockdown kapag tuluyang hindi ma-contain ang pagkalat ng virus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *