COVID-19 surge sa Brazil muling ikinabahala

Nagbabala ang mga eksperto na posibleng magkaroon muli ng surge ng COVID-19 matapos ang pagluluwag ng restrictions kung saan dinadagsa na naman ang mga bars sa malalaking lungsod

Ayon sa dating Brazil Health Surveillance Secretary Epidemiologist Wanderson Oliveira , inaakala marahil ng mga tao na tapos na ang pandemya.

Inihayag naman ng isa pang Epidemiologist na si Jesem Orellana na posibleng magkaroon mula ng increase sa death toll dahil sa mga hakbang ng kanilang gobyerno tulad ng pagpayag sa mga live music performances sa mga bars.

Una nang nagbukas ng ekonomiya ang mga gobernador at alkalde maging sa mga non-essential activities.

Kaugnay nito, inihayag ng mga experts na nababahala silang tila hindi natuto ng leksyon ang Brazil sa pagluluwag ng restrictions

Matatandaan na isa ang Brazil sa mga bansang may mataas na kaso ng COVID kung saan umabot sila sa peak na 4,249 na death toll sa isang araw.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *