COVID-19 testing, planong tanggalin ng DOH para sa mga Pinoy na fully-vaccinated na abroad

Inirekumenda ng Department of Health (DOH) na tanggalin na ang COVID-19 testing requirement para sa mga inbound Filipinos na fully-vaccinated na sa ibag bansa.

Pero nilinaw ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na wala pang pinal na desisyon ngayong pinag-aaralan pa ng mga otoridad kung paano ive-verify ang vaccination status ng mga incoming travelers.

Una nang pinaikli ng gobyerno ang mandatory quarantine period at tinanggal ang COVID-19 testing requirement para sa mga fully-vaccinated individuals na naturukan sa Pilipinas.

Sa ilalim ng revised guidelines, kailangang mag-quarantine ng pitong araw ang mga incoming travelers at ire-require lamang sumailalim sa COVID-19 test kung magpakita sila ng sintomas ng COVID-19.

Tiniyak naman ni Vergeire sa publiko na nagiging maingat pa rin ang pamahalaan sa pagluluwag ng restrictions para sa mga fully-vaccinated individuals.

Mababatid na 1.8 milyong Pilipino pa lamang ang nakatanggap na ng dalawang shots ng COVID-19 vaccine as of June 14.

Target ng pamahalaan na magbakuna ng 50 milyon hanggang 70 milyong katao ngayong taon para makamit ang herd immunity.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *