COVID-19 utilization rate sa mga private hospitals nananatili pa ring ‘low risk’

Nananatili umano mababa ang COVID-19 admissions sa mga private hospitals sa buong bansa at manageable.

Ayon kay Private Hospitals Association of the Philippines Inc. (PHAPI) President Dr. Jose Rene de Grano, na maliban sa mga ospital sa Western at Central Visayas, hindi rin umano tumataas ang kaso ng COVID-19 sa mga private hospitals sa buong bansa.

Una nang inanunsyo ng National Kidney Transplant Institute (NKTI) na nasa full capacity na ang kanilang Emergency Room (ER), matapos ang overwhelming number ng admissions.

Ito ang nag-udyok sa naturang government-owned hospital na ipasa ang mga pasyente sa ibang admitting facilities.

Samantala, sinabi naman ni de Grano na wala pang ulat ng full capacity sa mga private hospitals. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *