COVID 19 vaccination coverage ng DOH 12, nasa 78.15% na

KORONADAL CITY- NAKAPAGTALA na ang Soccsksargen region ng 2,558,998 na mga indibidwal na fully vaccinated laban sa COVID 19 batay sa datos ng Department of Health o DOH 12 noong October 13.
Ito ay 78.15% ng target population na 3,274,479.

May pinakamataas na coverage sa COVID 19 vaccination ang General Santos City na umabot sa 89.40% o 414,426 fully vaccinated individuals at ito ay sinusundan ng South Cotabato na nakapagtala ng 81.61% na accomplishment o 582,500 na mga indibidwal.

Ang North Cotabato ay may vaccination coverage na 75.18%, 74.57% sa Sultan Kudarat at 72.52% naman sa Saranggani.

Samantala, nagpapatuloy naman ang kampanya at panghihikayat ng DOH 12 sa naiwan pang 424,212 o 12.96% na nananatiling unvaccinated laban sa COVID 19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *