COVID- 19 vaccination coverage para sa mga batang edad 5- 11 nananatili sa mahigit 20 percent

CAMARINES NORTE- Halos hindi gumagalaw ang COVID- 19 vaccination coverage sa lalawigan ng Camarines Norte.

Batay sa tala ng Provincial COVID- 19 vaccination operation center as of October 28, nasa 20 . 6 percent pa lang ang nababakunahan sa itinakdang target ng Department of Health (DOH).

Sa target population na 68, 347 nasa 14, 067 pa lang ang nababakunahan.

Sa labing dalawang bayan, ang Capalonga pa lang ang nakakaabot sa kalahati ng kanilang target population sa naturang age group.

Nasa 3, 775 ang target ng Capalonga at sa bilang na ito ay nasa 2, 029 ang nabakunahan.

Sa bayan naman ng Basud ay nasa 34. 5 percent ang nabakunahan o 1, 657 sa target na  4, 805.

Halos kadikit nito ang San Vicente na nakapagbakuna na ng 34. 2 percent.

Sa target na 1, 217 nasa 416 ang nabakunahan sa naturang age group.

Pangatlo naman ang Mercedes na nakapagbakuna na ng 33. 7 percent o  5, 956 sa target na 2, 007.

Sinusundan naman ito ng Talisay na nakapagbakuna sa 867 o 28. 6 percent ng 3, 028 na target population.

Ang San Lorenzo Ruiz ay nakapagbakuna naman ng 453 sa target na 1, 647 o  27. 5 percent.

Ang Daet na may pinakamaraming target na 12, 282 ay nakapagbakuna ng 2, 653 o 21. 6 percent.

Ang nalalabing mga bayan ay mas mababa pa sa 20 porsiento ang nababakunahan sa 5- 11.

Mahalaga ang bakuna upang maproteksyunan ang mga bata lalo’t niluwagan na rin ang face mask mandate sa eskwelahan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *