CAMARINES NORTE- Nananatiling mababa ang COVID- 19 vaccination coverage sa lalawigan ng Camarines Norte sa mga batang edad 5- 11 mula nang magsimula ang vaccination sa naturang age group Marso ng nakaraang taon.
Batay sa tala ng Provincial COVID- 19 vaccination operation center hanggang nitong Biyernes, Enero 13, sa target na 68, 347 nasa 15, 406 pa lang ang nababakunahan o 22. 5 percent.
Sa ngayon tanging ang bayan lang ng Capalonga ang umabot sa mahigit kalahati ng kanilang target population sa naturang age group ang nabakunahan.
Sa 3, 775 na target nasa 2, 106 o 55. 8 percent ang nabakunahan.
Sinusundan ito ng Mercedes na may 39. 6 percent sa kanilang target na 5, 956, Basud na nasa 35. 8 percent ng kanilang target na 4, 805.
Ang San Vicente ay may 34. 3 percent at Talisay na may 28. 7 percent.
Nakapagtala naman ng 28. 6 percent ang San Lorenzo Ruiz, 22. 2 percent ang Daet, at 20. 7 percent ang Vinzons.
Ang nalalabi pang mga bayan ay mas mababa pa sa 15 percent tulad ng Jose Panganiban na nasa 14. 3 percent, Labo 13 . 0 percent, Sta Elena 10. 3 percent at ang pinakamababa ay ang Paracale na nasa 9. 3 percent.