Covid- 19 vaccination hindi muna prayoridad ngayong buwan dahil sa MR OPV SIA

CAMARINES NORTE- Nakatuon ngayon ang pansin ng Department of Health at ng mga Local Government Unit sa Measles Rubella Oral Polio Vaccine Supplemental Immunization Activity o MR OPV SIA.

Ito ang dahilan kung bakit walang pagalaw sa datos ng Covid- 19 vaccination sa lalawigan sa nakalipas na dalawang linggo.

Ayon mismo kay DOH Regional Director Dr. Ernie Vera, tututukan ng ahenisya at ng mga LGU ang MR OPV SIA dahil sa mababang immunization coverage sa nakalipas na dalawang linggo kaya hindi isinasabay ang Covid vaccination.

Batay sa datos ng Provincial Covid- 19 Vaccination Operation Center hanggang nitong May 2, 2023 nasa 359, 603 o 82. 8 % sa target na 434,  382 ang nabakunahan,

Sa bilang na ito nasa 326, 028 ang fully vaccinated o nakumpleto na ang primary series habang mababa pang masyado ang booster dose na nasa 12, 4 % o 53, 912 na indibidwal.

Nasa 75. 9 % naman ang vaccination coverage sa senior citizen.

Mataas na ang vaccination coverage sa 18- 59 na nasa 93. 5 % habang lumagpas naman sa target an gang nabakunahan sa 12- 17 na nasa 111. 8 %.

Nananatili namang mababa ang nabakunahan sa 5- 11 na nasa 22. 9 %.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *