COVID- 19 vaccination posibleng maging regular na immunization program na sa mga susunod na araw

CAMARINES NORTE- Inihayag ng Provincial Health Office na posibleng maging regular na immunization program na ang COVID- 19 vaccination sa mga sususnod na araw.

Ito ay kung maidedeklarang endemic na talaga ang COVID- 19 mula sa pandemic.

Ayon kay Provincial Health Officer Dr. Arnel Francisco gagawa ng polisiya ang Inter Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases o IATF tungkol dito kung saan miyembro rin ang Department of Health.

Kapag may pormal na uman ong deklarasyon na tapos na talaga ang pandemya ay posible talagang maging bahagi na ng national immunization program ang covid.

(VC- FRANCISCO)

Matatandaang ideneklara na ng World Health Organization (WHO) na hindi na “global health emergency” ang COVID-19 noong May 5.

Ang hakbang na ito ng WHO ay patungo sa pagtatapos ng pandemya sa buong mundo makalipas ang tatlong taon.

Nagkaroon ng deklarasyon na hindi na public health emergency ang Covid matapos ang pulong ng Emergency Committee ng WHO at inirekomenda ang pagdedeklara ng pagtatapos ng “public health emergency of international concern.”

Ngunit paglilinaw ng WHOn na patuloy pa rin ang panganib ng virus sa kalusugan kaya kailangan pa ring mag-ingat lalo na ngayong tumataas na namang muli ang mga kaso ng covid- 19.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *