COVID-19 vaccination sa mga home care staff sa England, compulsory na!

Gagawin nang compulsory ang pagpapabakuna kontra COVID-19 sa mga home care staff na nag-aalaga ng mga matatanda sa England.

Ayon sa report, bibigyan ng 16 na linggo ang mga care staff para magpabakuna para makaiwas na mailipat ng assignment or posibleng pagkawala ng kanilang trabaho.

Maliban dito, pinag-aaralan din ng England government kung magiging compulsory din ang bakuna para sa iba pang health at care staff.

Nilinaw naman ng kanilang gobyerno na hindi maaapektuhan ng nasabing hakbang ang mga workers na makakapagpatunay na sila ay medically exempt sa pagkuha ng bakuna. Iginiit ng Department of Health and Social Care na ang bakuna ay paraan sa paglaban sa pandemya.

Una nang nagbabala ang mga care organizations na posibleng magresulta sa mas mahirap na recruitment ng mga health care staff ang planong sapilitang pagpapabakuna sa mga ito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *