COVID active cases, posibleng pumalo sa 58K sa katapusan ng September

Posibleng umabot sa 58,000 ang aktibong kaso ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR) sa katapusan ng September, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa isinagawang online briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang active cases sa NCR ay posibleng pumalo sa 58,117 sa  September 30 bago tuluyang bumaba sa 54,780 sa October 15 at 46,563 sa October 31.

Posible rin anyang ang peak ng active cases ay maitatala sa October 1.

Lumalabas sa case projection ng DOH na magpapatuloy ang pagkalat ng COVID-19 ngunit sa mas slower pace ikumpara sa mga nakaraang buwan.  

Nabatid na sa Metro Manila, naitala ang 4,505 new infections kahapon ng Huwebes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *