COVID active tally, lalo pang bumaba sa 18,043

Nagtala ang Department of Health (DOH) ng 918 na mga bagong kaso ng COVID-19, dahilan para lalong lomobo ang kabuoang caseload ng naturang sakit sa 4,036,277.

Sa gitna nito, bumaba naman ang active infections sa 18,043.

Patuloy namang nangunguna ang National Capital Region (NCR) na may maraming bagong kaso sa nakalipas na dalawang linggo sa 4,333 infections, sinundan ng Calabarzon sa 1,929, Western Visayas sa 1,106, Central Luzon sa 1,035, at Central Visayas sa 997.

Ayon sa Department of Health nasa 976 ang mga bagong pasyente na gumaling mula sa viral disease, dahilan para tumaas ang recovery tally sa 3,953,593, habang ang death tally ay sumampa pa sa 64,641.

Dagdag ng DOH, bahagyang tumaas ang bed occupancy sa 23.8%, kung saan 6,758 ang mga higaan na okupado, habang 21,588 ang bakante. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *