COVID cases sa Central Luzon, lagpas na sa isandaang libo

Lagpas na sa isandaang libo ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong Region 3.

Sa huling datos na inilabas ng Department of Health- Region 3 nitong May 21, sumampa na sa 101, 246 ang COVID cases sa rehiyon.

Mula sa nasabing bilang, 91, 988 dito ang mga naka rekober na o katumbas ng 90.9%.

6, 873 naman ang bilang ng mga aktibong kaso o nasa 6.8% ng kabuuang kaso.

Habang may 2, 385 na nasawi sa Gitnang Luzon dahil sa nakahahawang virus o 2.4% ito ng kabuuang kaso.

Samantala sa bilang ng mga aktibong kaso, 97.05% dito ay may mild symptoms, 0.83% ang asymptomatic, 0.96% ang moderate, 0.86% ang severe at 0.31% naman ang critical.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *