COVID cases sa Central Luzon, pumalo na sa mahigit 75 thousand

Pumalo na sa mahigit 75 thousand ang naitatalang COVID cases sa buong Central Luzon.

Batay sa huling datos ng Department of Health as of April 22, umakyat na sa 75, 305 ang kabuuang bilang ng Covid-19 Cases sa rehiyon, matapos itong madagdagan ng 963 na bagong kaso kahapon.

Nasa 1, 829 naman ang bilang ng bagong gumaling, kaya meron nang 60, 966 total number of recoveries ang Region 3.

92 naman ang nadagdag sa talaan ng nasawi, kaya pumalo na sa 1, 659 ang fatalities sa Gitnang Luzon dahil sa COVID-19.

Nangunguna pa rin ang lalawigan ng Bulacan, Pampanga at Nueva Ecija sa may pinaka maraming kaso ng COVID-19 sa Central Luzon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *