Covid claims ng mga Covid patient sa Bicol sapat-Philhealth Bicol

LEGAZPI-Nilinaw ng Philhealth Regional Office V na sapat pa at di nagkukulang ang pundo ng kanilang opisina para matugunan ang mga claims ng Covid Patient sa rehiyong Bicol.


Ayon kay Henry Almanon, Regional Director ng Philhealth Bicol, walang duda na hanggang sa ngayon ay malakas at matibay pa rin ang financial standing at capacity ng kanilang opisina para mabayaran ang mga pasyente na tinatamaan ng Corona Virus Disease.

Aniya, kahit umano ang kanilang reserved funds ang hindi pa nagagamit at mismong pundo na inilaan para sa Covid-19 noong nakaraang taon ang ginagamit pa nila.

Kung kaya ay dapat lamang umano alisin nang publiko ang kanilang agam-agam sa mga lumalabas na maling balita ukol dito.

Ayon naman sa datus ng nasabing ahensya, aabot na sa 2, 728 claims sa mga hospital sa buong Rehiyon. Ang ilan pa sa ngayon na mga claims ang pinoproseso at ang iba naman ay na-deny dahil sa kakulanganan ng dokumentos.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *