COVID-compliant birthday party ni Obama, idadaos sa weekend

Ipagdiriwang ni dating US President Barrack Obama ang kaniyang ika-60 karaarawan sa darating na weekend sa pamamagitan ng isang party sa Martha’s Vineyard.

Ayon sa ilang source, all-set na ang COVID-19 safety protocols sa gagawing birthday party sa gitna ng banta ng Delta variant.

Iginiit ng source na susunod ito sa public health protocols na itinakda ng US Centers for Diseases Control and Prevention

Meron rin anyang isasagawang testing para sa guests habang meron naman Covid safety coordinator ang mananatili sa site.

Sa kasalukuyan ay tinukoy ng CDC ang Martha’s Vineyard bilang lugar na may “moderate” Covid-19 community spread.

Kabilang sa mga rekomendasyon ng CDC ay ang pagsusuot ng face masks indoors para sa mga “high” at “substantial” transmission, na kinabibilangan ng halos two-thirds ng lahat ng US counties.

Mababatid na ang kaarawan ni Obama ay sa August 4 (Miyerkules).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *