COVID new cases, 695; 73.7-M Filipinos, fully-vaccinated

Nagtala ang Pilipinas ng 695 na mga bagong kaso ng COVID-19, dahilan para tumaas ang overall tally sa 4,027,469, pero bumaba ang active cases sa 17,550.

Kaugnay nito, ang kabuoang bilang naman ng mga gumaling mula sa naturang sakit ay tumaas sa 3,945,419, habang ang death toll ay umakyat sa 64,500.

Nanatili naman ang Metro Manila sa mga rehiyon na may mataas na bilang ng mga bagong kaso sa nakalipas na 14 na araw sa 3,402, sinundan ng Calabarzon sa 1,981; Western Visayas sa 1,472; Central Luzon sa 1,132; at Central Visayas sa 1,096.

Sa ngayon, ang bed occupancy rate ay bansa ay nasa 22.3%, kung saan 6,313 sa kabuoang 28,251 beds ang okupado at 21,938 ang bakante.

Samantala, as of Nov. 20, nasa 73.7 million Filipinos na ang fully-vaccinated laban sa COVID-19, at 20.9 million individuals mula sa naturang bilang ang nakatanggap na kanilang first booster dose at mahigit 3.5 million katao ang nakatanggap ng kanilang second booster shots. //MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *