COVID-test result muling hinihingi sa mga papunta at paalis sa Bicol Central Station kahit fully vaccinated

NAGA CITY-  Kailangan nanamang mag presenta ng negative RT-PCR o Antigen test Result ng lahat na pasahero ng bus mula Parañaque Integrated Terminal Exchange o PITX papunta sa Bicol Central Station sa Naga City gayundin ang mga paaalis sa huling nabanggit na terminal.

Ito ang nakapalaman sa Memorandum No. 2022-001 pirmado ni Terminal Manager Nonoy Reforsado at Mayor Nelson Legacion base sa rekomendasyon ng Naga City Health Emergency Response Task Force o HERTF na epektibo na mula nitong Enero 5, 2022.

Nangangahulugan ito na bago pasakayin sa bus may bitbit na test result na valid 48-oras bago sumakay kahit  fully vaccinated kontra COVID-19. Ayon kay Reforsado may mga insidente kasing kahit na bakunado, tinatamaan pa rin ng virus.

Noong Nobyembre ang mg amula sa Alert Level 1,2 at 3 at maaaring vaccination card lamang ang ipresenta at Identification card. Ngunit sa muling pagtaas ng kaso maghihigpit muli sa interzonal at interregional routes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *