COVID UPDATE: 212 new cases, 5 deaths, 117 recoveries sa Bicol

BICOL—Matapos ang magkasunod na araw na bumaba sa daily average na 200 ang mga naitalang kaso ng COVID-19 sa Bicol, muli itong nagtala ng 212 na bagong kaso ngayong araw.

Sa ulat ng Department of Health (DOH) Bicol, pinakamaraming kaso ang nadagdag sa Albay na nasa 84. Ang lungsod ng Legazpi ang may pinakamataas na naitala na nasa 36, ang bayan ng Daraga ay may 15, siyam sa Ligao City, walo sa bayan ng Camalig, pito sa lungsod ng Tabaco, tigtatlo ang bayan ng Bacacay at Guinobatan at tig-iisa ang mga bayan ng Malilipot, Oas at Polangui.

Sumunod sa may mataas na kaso ang lalawigan ng Camarines Sur na may 64 kung saan 25 nito ay mula sa Naga City, tigpito ang bayan ng Pili at Nabua, tig-apat ang bayan ng Buhi at Canaman at tigdadalawa ang mga bayan ng Caramoan, Magarao at Pamplona at tig-iisa ang mga bayan ng Balatan, Bato, Bombon, Calabanga, Camaligan, Lagonoy, Lupi, Ragay, San Jose at Tigaon.

Ang Camarines Norte ay mayroon namang 25 bagong kaso kung saan siyam nito ay mula sa bayan ng Daet, tigtatlo ang bayan ng Labo at Vinzons, tigdadalawa ang mga bayan ng Basud, Jose Panganiban, Paracale at San Vicente at tig-isang kaso naman ang bayan ng Capalonga at San Lorenzo Ruiz.

20 na bagong kaso ang nadagdag sa Sorsogon kung saan siyam nito ay mula sa Sorsogon City, lima sa bayan ng Irosin, dalawa sa Prieto Diaz at tig-iisa ang mga bayan ng Bulusan, Casiguran, Gubat at Matnog.

19 na bagong kaso ang naitala sa lalawigan ng Catanduanes kung saan siyam nito ay mula sa bayan ng Virac, anim sa bayan ng Bagamanoc, dalawa sa bayan ng Caramoran at tig-isa ang bayan ng Bato at Pandan.

Zero new case naman ang Masbate matapos na bigong makapagpadala ng specimen. Sa kabuuan, pumapalo na sa 17,814 ang kaso ng COVID-19 sa Bicol region.

Limang pagkasawi naman ang nadagdag na pawang mula sa lalawigan ng Sorsogon kung kaya pumalo na sa 554 ang death toll ng sakit.

Samantala, 117 na mga bagong recoveries naman ang naitala kung saan 55 nito ay mula sa Camarines Sur, 50 sa Albay, anim sa Sorsogon, lima sa Catanduanes at isa sa Camarines Norte. Sa kabuuan, pumapalo na sa 10,832 ang mga gumaling sa sakit sa Bicol.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon + sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *