Covid vaccine, kailangan sa f2f; flexible learning hindi dapat alisin ng mga kolehiyo—CHED

SORSOGON CITY—Dapat na mayroong opsyon para sa flexible learning ang isang kolehiyo.

Ito ang binigyang-diin ni Commission on Higher Education (CHED) Bicol Focal Person for Vaccination and Face to Face Classes Program Dr. Pamela Viñas sa harap ng pagiging requirement ng Covid-19 vaccine sa limited face to face classes.

Anya, salig ito sa Joint Memoramdum Circular ng Department of Health (DOH) at ng Commission on Higher Education (CHED).

Sa ganitong paraan kasi umano ay mabibigyan ng pagkakataon ang isang mag-aaral na makapamili ng learning modality na angkop sa kanya at makapag-aral pa rin kahit hindi pa bakunado kontra Covid-19.

Bukod dito ay maiiwasan din ang diskriminasyon sa mga estudyanteng hindi pa fully vaccinated.

Binanggit din ng opisyal na ang nasabing iskema ay pagbibigay din ng tyansa sa mga estudyante na hindi pa handang bumalik sa face to face classes.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *