Cowboy—patay matapos pagtatagain sa GenSan

Nagpapatuloy ang ginagawang imbestigasyon at pagtutugis ng kapulisan sa dalawang cowboy na pinaniniwalaang may kinalaman sa pagkamatay ng kasamahan nito sa Sinawal Gensan.

Ayon sa otoridad na matapos matagpuan ang bangkay ng cowboy na si Justine Jancinal , 26-anyos residente ng Purok Riverside, Barangay San Isidro ay nawala din at hindi na mahagilap ang dalawang kasamahan nito sa trabaho.

Sa imbestigasyon lumabas na ang dalawa ay kasama ni Jancinal sa bunkhouse .

Agosto 27, 2023 , nakita umano ng isang gwardiya sa kwarto ng biktima ang maraming dugo sa higaan partikular na sa ilalim ng kama at ng sinundan ang bakas ng dugo ay doon na nakita ang wala ng buhay na si Jancinal na nakahandusay sa damuman na parte parin nga ransohan.

Nagtamo ito ng maramaming sugat sa ibat-ibang bahagi ng katawan dahil sa pananaga at nagresulta sa paglabas ng mga laman loob sa kanyang tiyan na naging dahilan ng kanyang pagkamatay.

Samantala hustisya ang sigaw ng pamilya ng biktima patikular na ang kanyang live-in partner at ama.

Nabatid na natagpuan ang bangkay ni Justine Jancinal sa ransohan alas 7:30 ng umaga Agosto 27, 2023 sa Cabuay, Barangay Sinawal Gensan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *