CPP founder Joma Sison – heart failure ang ikinamatay – NDFP official

Kinumpirma ng isang opisyal ng National Democratic Front of the Philippines (NDF) na heart failure ang ikinamatay ng founding chariperson ng Communist Party of the Philippines (CPP) na si Jose Maria ‘Joma’ Sison.

Sa isang panayam, sinabi ni NDFP Peace Panel Senior Adviser Luis Jalandoni na matapos ang halos tatlong linggong pagkaka-confine ni Sison sa hospital, pumanaw si Sison sa edad na otsenta’y tres dahil sa heart failure.

Bago pa man ito, una nang sinabi ni Jalandoni na magpapatuloy pa rin ang kanilang isinusulong na reporma kahit pumanaw na ang kanilang lider.

Sa kabila niyan, muling tiniyak ng NDFP adviser na bukas pa rin ang negotiationg panel ng kanilang political wing para sa muling pagbubukas ng usapang pangkapayapaan kasama ang Gobyerno ng Pilipinas.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *