CPP-NPA, inako ang responsibilidad sa pagkamatay ng FEU athlete sa Masbate

Inako ng Communist Party of the Philippines (CPP) at ng kanilang armed wing na New People’s Army (NPA), ang pananagutan sa pagkamatay kay Far Eastern University football player Keith Absalon at pinsan nitong si Nolven.

Sa isang pahayag, sinabi ni CPP information officer Marco Valbuena na umaasa sila matatanggap ng pamilya Absalon, mga kamag-anak, kaibigan at ng buong mamamayang Pilipino ang kanilang paghingi ng paumanhin, self-criticism at willingness na magbigay ng kahit anung kaukulang uri ng indemnification.

Dagdag ng CPP, laging pinapaalalahanan ang New People’s Army na magbigay ng pinakamataas na prayuridad para sa proteksyon sa buhay ng mga sibilyan at ng kanilang ari-arian.

Kaugnay nito, iginiit ng kumunistang grupo na ang insidente sa Masbate ay hindi dapat nangyari.

Matatandaan na nasawi ang college football player at kanyang pinsan noong Linggo, habang sugatan ang isa pa, matapos ang bomb at gun attack ng NPA. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *