Crime Volume ng Sorsogon bumaba ng 11% sa taong 2022

Bumaba ng 10.72% ang crime volume ng Sorsogon noong nakaraang taon kumpara noong 2021.

Base sa Comparative Crime Statistic na ekslusibong nakuha ng Brigada News FM-Sorsogon sa opisina ng Provl Investigation, Detection and Management Branch (PIDMB) na pinamumunuan ni PLtc Virgil Bibat, ang crime volume ng Sorsogon noon taong 2021 ay umabot sa 1,082 kumpara sa 966 noong nakaraang taon. Nabawasan ito ng 116 na kaso o 11%.

Sa 966 na crime volume, 168 dito ay Index Crime o 17.4% habang ang 798 o 82.61% ay Non-Index Crime.

Ang Pulis Kasanggayahan ay nakapagtala ng Crime Clearance Efficiency na 100%, habang sa Crime Solution Efficiency naman ay 68.5%.

Pumalo naman sa 12 ang average monthly crime rate (AMCR) o nangyaring krimen bawat buwan noong nakaraang taon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *