Cristiano Ronaldo, kauna-unahang atletang nakapagtala ng goal sa limang World Cups

Nakapagtala ng goal sa limang World Cup si Cristiano Ronaldo – ang kauna-unahang tao na makakuha nito matapos buksan ang scoring sa pakikipaglaban ng Portugal sa World Cup sa Ghana.

Naitala ng 37-anyos ang record nang maipasok niya ang goal sa pamamagitan ng penalty kick ng 65th minutes sa laro na ginanap sa 974 Stadium.

Nalampasan na nito sina Pele at Germans Uwe Seeler at Miroslav Klose, na lahat ay nakapuntos sa apat na World Cup.

Pinalawig din ni Ronaldo sa 118 ang kanyang sariling world record tally sa international goals. (AFP PHOTO)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *