CRMC OPD dumarami ang naitatalang nagpapa check up dahil sa sigarilyo

DUMARAMI umano ngayon ang mga pasyenteng nagpapasuri sa Cotabato Regional and Medical Center o CRMC dahil sa sakit na dulot ng paninigarilyo.


Sa isang pahayag, sinabi ni Dr. Adlyn Bea Bernaldez ng Department of Family and Community Medicine ng Cotabato Regional and Medical Center o CRMC, karamihan sa mga nagpapa check up ay mga Kabataan.


Lumalabas na isa sa pitong mga kabataang may edad 13 hanggang 15 ang gumagamit ng electronic cigarettes o vape na bagay na kailangang pagtuunan ng pansin.


Mapanganib umano para sa mga kabataan ang paggamit ng vape at kaya hindi aniya ito dapat gawing alternatibo sa paggamit mula sa conventional cigarette.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *