CSC-Bicol, muling nilinaw na hindi pa kasama ang rehiyon sa mga lugar na pinayagang magsagawa ng Career Service Exam

BICOL – NILINAW ng Civil Service Commission no CSC-Bicol na hindi pa kasama ang rehiyon sa mga lugar na pinayagang makapagsagawa na ng Career Service Examination, Pen and Paper Test.

Kasunod ito ng tila kalituhan ng mga Bicolano sa bagong inilabas na advisory ng CSC central office kaugnay sa isasagawang eksaminasyon para professional at sub-professional  levels sa darating na July 18, 2021.

Paglilinaw ng CSC-Bicol, hindi pa pinayagan na makapagsagawa ng parehong eksaminasyon dahil sa tumataas na mga kaso ng covid-19 sa rehiyon.

Tanging ang mga testing centers sa Regions 7, 9, 12 at BARM ang pinayagang makapagsagawa nito kung saan itinakda ang application period sa naturang mga lugar simula May 14 hanggang June 3, 2021 habang ang target na mai-release ang resulta nito ng September 1.

Payo ng CSC-Bicol, tiyakin na sa mga lehitimo at reliable sources lamang kumuha ng impormasyon at updates partikular sa kanilang official website at facebook page.

Mababatid na una nang nag anunsyo ang CSC na maaari nang i-refund ang 500 pesos na examination fee para sa nakanselang March 15, 2020 exam.

Ang refund ay maaaring i- claim sa pamamagitan ng bank deposit o sa mga authorized remittance centers o payment facilities.

Pinayuhan din ang mga nagnanais na mag claim na makipag ugnayan muna sa Field Office kung saan nag- file dahil na rin sa magkakaibang quarantine restrictions sa kada lokalidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *