CSC Examination sa Bicol hindi pinayagan dahil sa high covid-19 cases sa Legazpi City

Kinumpirma ni Regional Director Daisy Punzalan Bragais ng Civil Service Commission (CSC) Bicol na walang Career Service Professional and Sub Professional Examination ngayon taon 2021.

Ayon kay Bragais, hindi muna magkakaroon ng csc exam dahil sa high cases ng coronavirus disease (COVID) 19 sa Bicol.

Aniya, hindi masiguro ng ahensya na kayang hawakan ang examination dahil sa napakaraming applicants at ang safety protocols ng bawat examinee.

Sinabi rin ni Bragais na mayroon naman nakatalaan na tatlong examination sa rehiyon tulad ng Foreign Service Officer Exam sa buwan ng Agosto 22, 2021, Fire Officer and Penology Exam sa darating na Oktobre 10 at Basic Competency for Local Treasury or Treasurer Examination.

Tanging ito lamang ang pinayagan na magsagawa ng Examination dahil sa kokonti ang examinee kumpara sa Csc examination.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *