CSPPO kinumpirma na ang pagkakarelieve sa hepe ng Iriga City

NAGA CITY- Kinumpirma na ng Camarines Sur Police Provincial Office ang pagkakarelieve ng hepe ng Iriga City Police Office matapos na ma- kuwesyon ang pag-aresto’t pagkulong sa veteran reporter na lumabag umano sa data privacy act.

Ayon kay PMaj. Vic Abalaing, Spokesperson ng CSPPO upang maging patas sa nagpapatuloy na imbestigasyon nagdesisyon si Provincial Director PCOL. Julius Caesar Domingo na alisin si PLTCOL. Ralph Jason Oida sa Iriga CPS.

Kanina Agosto 14, 2023 pormal nang pinangunahan ni PMAJ.  Jabesh  Napolis na siyang OIC ng nasabing himpilan.

Nagkaisa ang Kapisanan ng mga Broadkaster ng Pilipinas- Camarines Sur Chapter at Bicol Press Club sa pagkondena sa ginawa ni Oida sa reporter na nanindigang hindi niya nailabas ang balita sa blotter book. Maging ang National Union of Journalists of the Philippines ay nagbigay din ng pahayag ukol sa pangyayari.

Ayon kay Atty. Mike Marpuri na dati ring journalist, sa ilalim ng Data Privacy Act hindi dito applicable dito kung para sa journalism purpose.

Binigyan diin pa na dapat manatiling magkakampi ang media at pulisya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *