CSWD Olongapo iminungkahi sa LGU na ibaba ang edad ng senior na mabibigyan ng cash incentives

Iminungkahi ng City Social Welfare and Development Office sa Olongapo City Government na ibaba ang edad ng mga senior citizen na binibigyan ng cash incentives ng Local Government.

Ayon kay CSWD Officer Jun Pascua, kanilang inilalabi sa Sangguniang Panlungsod na ibaba ito sa 80 years old mula sa kasalukuyang 90 years old.

Sa kasalukuyan kasi ay nagbibigay ng cash incentives ang syudad sa mga nasa edad na 90-anyos na nagkakahalaga ng 20,000.

Sa mungkahi ni Pascua, nais nito na sa edad pa lamang na 80-anyos ay mabigyan na agad ang senior at madagdagdan pa sa mga kasunod na taon o edad.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

PHOTO: Olongapo City Information Office

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *