CSWDO Olongapo tumanggap ng dalawang certificates of appreciation mula sa DSWD Region 3

Tumanggap ng dalawang Certificates Of Appreciation ang Olongapo City Social Welfare and Development Office o CSWDO.

Ito ay galing sa Department Of Social Welfare and Development Office o DSWD Region 3 bilang pasasalamat sa ginagawang pagpapahalaga ng opisina sa mga programa tulad ng Center For Youth at Social Development Center.

Ang parangal ay tinanggap ng CSWD noong nakalipas na Biyernes, Oct.14 na ginanap sa Hotel Consuelo Sta.Rosa sa bayan ng Nueva Ecija.

Samantala, sisikapin naman umano ng pamunuan na paigtingin pa ang mga programa para mapagtuunan pa ng husto ang pagtulong sa mga mamamayan lalo na sa mga kabataan.//Michelle Lopez-BNFM OLONGAPO

PHOTO: Olongapo City Information Center

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *