CTG, idineklarang persona non grata ng mga residente sa ilang sitios sa Tboli

KORONADAL CITY- KINONDENA ng mga tribal leaders ng Sitio Motosom, Lembed, Basag, at Purok Alaw ng Barangay Laconon, TBoli ang karahasan at panlilinlang ng mga communist terrorist groups o CTG sa isinagawang Grand Pulong-Pulong kamakailan lamang.

Inihayag ni Captain Krisjuper Punsalan, commanding officer ng 11th Special Forces Company na idineklarang ‘persona non grata’ ng mga residente ang CPP-NPA-NDF.

Ito ayon sa opisyal ay isang tagumpay sa insurgency campaign ng gobyerno lalo’t ang naturang mga komunidad ang madalas biktima ng pananakot at terorismo ng CTG.

Dahil sa kooperasyon ng indigenous community, inihayag ni Punsalan na agad nang makakaresponde ang military ay makakapagbigay ng government intervention.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *