Cultural properties ng bayan ng Barcelona, rehistrado at aprubado na ng National Commission for Culture and the Arts

Rehistrado at aprubado na ng National Commission for Culture & the Arts ang Cultural Properties ng bayan ng Barcelona.

Kasunod ito ng Certificate of Compliance na inisyu ng Komisyon sa Lokal na Pamahalaan ng Barcelona matapos na makapagsumite ng compliant at acceptable local cultural inventory para sa kasalukuyang taon.

Ang nasabing sertipiko na pirmado ni National Commission for Culture & the Arts Chairman Victorino Mapa Manalo ay patunay na compliant na ang nasabing LGU sa NCCA at DILG Joint Memoramdum Circular No. 2021-001 at ito ay epektibo hanggang sa December 31, 2023.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *