Curfew hours sa Metro Manila pinaikli simula Oct. 13

Asahan ang mas maikling curfew hours sa Metro Manila simula bukas October 13.

Ito ang kinumpirma ni Metro Manila Council (MMC) chairman and Parañaque City Mayor Edwin Olivarez.

Ayon kay Olivarez imbes na alas-diyes ng gabi gagawin nalang alas dose hangang alas-kwatro ng madaling ang araw ang unified curfew sa kalakhang Maynila.

Layon umano nito na matulungan ang mga negosyante at mga manggagawa sa dahan-dahan pagbubukas ng ekonomiya na labis na naapektuhan dahil sa COVID-19 pandemic.

Malaking bagay umano sa naging desisyon ng MMC ang patuloy na pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa NCR at pagbaba din ng health care utilization rate.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *