Customs, nakumpiska ang nasa 20K undeclared ivermectin tablets

Naharang ng Bureau of Customs – Ninoy Aquino International Airport (BOC-NAIA) ang 20,000 undeclared ivermectin tablets at iba pang regulated drugs na itinago sa isang shipment mula sa New Delhi, India.

Ang ivermectin ay iginigiit ng iba bilang posibleng gamot laban sa COVID-19, pero ayon sa mga health experts, walang sapat na batayan para patunayan na ang antiparasitic drug ay kayang makagamot o makapigil laban sa coronavirus infection.

Sa ngayon, tanging compassionate special permit palang ang ibinibigay ng Food and Drug para magamit ito.

Samantala, binigyang diin naman ng BOC-NAIA na nananatili silang committed para mapabilis ang pagproseso at pagpapalabas ng COVID-19 vaccines, mga gamot at iba pang medical supplies.

Sa gitna nito, palalakasin rin umano nila ang kanilang border security para pigilan ang smuggling. // MHEL PACIA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *