Cybercrime authorities, maglalabas ng ulat sa Feb. 15 kung may kinalaman ang cyberattack sa nangyaring PH airspace shutdown

Inaasahang maglalabas ng ulat ang Cybercrime Investigation and Coordinating Center sa mga natuklasan nito at kung may kinalaman ang  cyberattack sa pagpalya ng air traffic management system sa NAIA noong January 1.

Ito ang sinabi ni CICC Executive Director at Department of Information and Communications Technology Undersecretary Alex Ramos kahapon  sa isinagawang pagdinig ng House transportation panel at sinabing tumatagal ang kanilang imbestigasyon dahil ang system ng CAAP ay hindi konektado sa DICT.

Nangako si Ramos na ilalabas ang kanilang report sa February 15.

Gayunpaman, nilinaw ni Ramos na ang paglalaan nila ng oras sa pag-alam kung may kinalaman sa cyberattack ang insidente  ay hindi nangangahulugan na binabalewala na nila ang posibilidad nito.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *