Cybercrime cases na kadalasang naitatala sa Bicol, tinukoy ng PNP Bicol

LEGAZPI CITY – Nagsalita ang Philippine National Police (PNP) Bicol tungkol sa mga kasong naitatala na may kinalaman cybercrime sa rehiyon.

Sa pahayag ni PNP Bicol, duty investigator, PSSg. Levelyn Balin sa Brigada News FM Legazpi, marami umanong mga kaso ang nairerekord nila na dumaraan sa kanilang ICT, at madalas dito ay ang mga nai-scam sa Gcash at mga online investment scams.

Aniya, marami silang mga naimo-monitor sa nasabing mga kaso, katunayan nito’y ngayon ay nakapagtatala sila ng napakaraming arrest warrant na may kinalaman sa mga investment scams, kung saan dawit ang milyong halaga.

Dagdag pa niya, ngayong taon ay mayroon silang naisilbing dalawang warrant sa Daet, Camarines Norte, na bailable naman.

Samantala, nagbigay naman ng babala si Balin tungkol dito, kung saan ayon sakanya, kilatisin muna ang taong katransaksyon bago makipag-deal dahil kadalasan ay sinasamantala ng scammers ang padalos-dalos na pagdedesisyon; huwag magmadali at mag-isip muna bago kumagat sa mga produkto o serbisyo kahit pa ito’y napakaganda lalo na kung hindi pa ito nabeberipika.

Sinabi pa niya, mag-iingat din sa mga paunang bayad upang hindi basta-basta mabudol ng mga pangako; gawin ang pagku-cross check, lalo na kung mayroong mga pagdudua sa pamamagitan ng pagbeberipika sa mismong kompanya; at higit sa lahat, huwag basta-bastang magbibigay ng anumang mahahalagang detalye.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *