Czech Republic gov’t, pinag-aaralan ang pagpapalawak ng pagtanggap ng Pinoy workers sa kanilang bansa

Pinag-aaralan na ng Gobyerno ng Czech Republic na palalawakin pa ang pagtanggap nila Pilipinong manggagawa sa kanilang bansa.

Ito ang binigyang diin ni Czech Prime Minister Petr Fiala sa ginawang joint statement nila ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. matapos ang kanilang bilateral meeting kahapon.

Sinabi ni PM Fiala, kuntento ang mga negosyante o kumpanya sa kanilang bansa sa trabaho ng mga Pilipinong manggagawa.

Ayon kay PM Fiala, umaasa sila na sa pagbisita nilang ito kasama ang mga negosyante ay magbubunga ng mga bagong negosyo dito sa Pilipinas.

Mahalaga aniya ang mga nabuo nilang kooperasyon sa larangan ng transportasyon, agrikultura, space technologies, defense at aviation.

Nag commit din ito ng suporta sa modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines. Ibabahagi rin aniya nila ang kanilang teknolohiya at expertise sa Philippine dairy sector para sa pag proseso ng mga dairy products.

Samantala sa panig ni Pangulong Marcos, sinabi nito na nagkapaplitan sila ng pananaw ni PM Fiala sa iba’t ibang international issues tulad ng West Philippine Sea at ang giyera sa Ukaraine na nakakaapekto aniya sa sitwasyon ng ekonomiya sa maraming bansa kabilang ang Pilipinas.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *