DA ayaw pa mag-SRP sa karneng baboy

SORSOGON CITY – Nilinaw ng Office of the Provincial Agriculturists (OPAG) Sorsogon na walang magagawa ang mga Local Government Units (LGUs) sa pagtatakda ng Suggested Retail Price (SRP) sa mga karneng baboy, kung ayaw pa itong ipatupad ng Department of Agriculture.

Ayon sa head ng OPAG na si Roberto Fortes, maghihintay pa umano sila ng mga derektiba ng National Government hinggil rito kahit batid nila ang taas- babang presyo ng nasabing produkto lalo na ngayong holiday season.

Una nang sinabi ni Agriculture Secretary William Dar na hindi pa kailangan magtakda ng SRP sa karne ng baboy kahit tumataas ang presyo nito.

Ayon dito, minamanmanan ng kagawaran ang presyo ng baboy at napag-usapan sa pulong nito kamakailan na hindi pa napapanahon para maglagay ng SRP.

Aniya, nasa mga imbakan pa ang mga imported pork at dapat itong ilabas sa merkado imbes na patagalin sa mga imbakan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *