DA Bicol, hinikayat ang mga magsasaka na magpasuri ng lupa upang malaman ang kakulangan sa nutrisyon

Hinikayat ng Department of Agriculture (DA) Regional Soils Laboratory (RSL) ang mga magsasaka na kailangan nilang magpasuri ng lupa upang malaman ng mga ito ang kakulangan sa nutrisyon.

Ito ang inihayag ni Ailene Babilonia, Agriculturist II ng DA RSL.

Ayon kay Babilonia, masigasig ang kampanya sa kahalagahan ng pagpapasuri ng lupa sa pamamagitan ng pagsasanay sa mga magsasaka kung paano kumuha ng mga samples upang ito ay ipasuri.

Nagsagawa na rin ang RSL ng mga pagsasanay sa mga lokal na pamahalaan ng Pilar, Sorsogon; Sto Domingo, at Legaspi City sa lalawigan ng Albay.

Patuloy pa rin na magsasagawa ang RSL ng nasabing pagsasanay sa iba’t ibang LGUs ng Bicol upang matulungan ang mga magsasaka na makatipid sa pagbili ng abono.

Ang resulta ng pagsusuri ay magiging basehan din kung anong uri ng abono ang dapat ilagay at kung anong klaseng pananim ang aakma sa lupang tataniman.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *