DA Bicol nakabantay sa banta ng Bird Flu

NAGA CITY- Nakabantay ang Department of Agriculture – Bicol sa banta ng Bird Flu.

Sinabi ng central office na ipinagbabawal ngayon ang  pag-aangakat ng manok at anumang poultry products mula sa Japan dahil sa nararanasang bird flu outbreak sa naturang bansa, may kaso rin sa Hungary at sa California ng Estados Unidos.

Ayon kay DA Senior Undersecretary Domingo Panganiban, ipinagbabawal muna ang pang i-import ng mga wild birds at anumang poultry products, kabilang na dito ang mga poultry meat, day old chicks, at maging itlog.

Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay DA- Bicol Spokesperson Love Guarin, sinabi nitong tinitiggan nila ang mga dokumento ng mga papasok sa rehiyon. May mga lugar pa aniya sa mga karating rehiyon na mag bird flu.

Ipinayo  nito ang malinis na mga poultry farms, sa ngayon nanatiling Bird Flu Free ang Rehiyon mula Hulyo kasalukuyang taon.

Sa tala ng DA sapat naman ang supply ng karneng manok sa merkado. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *