DA Bicol, tiniyak na hindi tataas ang presyo ng bigas sa Albay ngayong nasa state of calamity ang buong lalawigan dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon

LEGAZPI CITY – Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) Bicol na walang magaganap na taasan ng presyo pagdating sa mga bigas sa Albay lalo na ngayong nasa ilalim ng state of calamity ang buong lalawigan dahil sa pag-aalburoto ng Bulkang Mayon.

Sa panayam ng Brigada News FM Legazpi kay DA Bicol Regional Spokesperson Lovella Guarin, sinabi niya na ito ay dahil katatapos pa lamang ng anihan at marami rin silang naani sa unang semestre.

Dahil dito ay mayroon silang katiyakan na marami silang supply ng bigas ngayon at hindi na kailangan pang magtaas ng presyo.

Ayon kay Guarin, kapag may state of calamity sa isang lugar ay dapat nan are-regulate ang presyo ng mga bilihin at hindi dapat na tumaas pa dahil mayroon itong penalidad.

Samantala, nagpaalala naman si Guarin na ang mga produktong pag-agrikultura tulad ng bigas at asukal ay hindi kabilang sa nire-regulate ng Department of Trade and Industry (DTI).

Kung matatandaan, isinailalim ang lalawigan sa state of calamity noong Hunyo 9 alinsunod din sa pagkakataas ng bulkan sa Alert Level 3 status.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *